2 tulak sa eskuwelahan, tiklo

BATAAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang kalalakihan na sinasabing notoryus na nagpapakalat ng bawal na droga sa mga eskwelahan makaraang maaresto ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Luacan sa bayan ng Dinalupihan, Bataan kamakalawa ng umaga. Pormal na kakasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Rommel Sanchez at Robert Ramirez, 30, kapwa nakatira sa Barangay Magsaysay, Dinalupihan. Nakumpiska sa mga suspek ang isang brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na pinaniniwalaang nagmula pa sa Olongapo City.

Show comments