Barangay konsehal itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang barangay konsehal makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa loob ng kanyang tahanan sa bayan ng Kadingilan, Bukidnon kamakalawa ng gabi. Lumilitaw na  nasa loob  ng kanilang tahanan si Henara Yeke nang biglang sumulpot ang dalawang armadong lalaki. Sa kabila ng pagmamakaawa ng pamilya ay hindi ito inalintana ng gunmen na agad pinagbabaril ang biktima. Nagsitakas naman ang gunmen sakay ng motorsiklo.

Show comments