Mag-asawang trader kinidnap

MANILA, Philippines - Naglunsad na ng ma­lawakang search and rescue operation ang mga awtoridad laban sa mga kidnaper ng mag-asawang trader na dinukot sa bisinidad ng Sitio Campo II sa bayan ng Matanog, Ma­guindanao kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawa na sina Habib Zacaria at Nora Dicay.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakasakay ang mag-asawa sa Toyota van na may plakang MVR-683 nang harangin ng mga armadong kalalakihan.

Walang nagawa ang mag-asawa matapos na tutukan ng baril kung saan kinomander ang kanilang behikulo. Sa kasalukuyang ay hindi pa nakikipag-ugnayan ang mga kidnaper sa pamilya ng mag-asawa.

Show comments