20 bricks ng marijuana nasamsam

MANILA, Philippines - Nasilat ang tangkang pagpapakalat ng 20 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana matapos na masabat ng mga operatiba ng anti-narcotics unit ang kontrabando sa Dangwa Bus Terminal sa Baguio City, ayon sa ulat kahapon. Ayon sa ulat, narekober ang 20, 000 kilong marijuana makaraang mabigo ang ilang miyembro ng sindikato na kunin sa nabanggit na terminal. Nabatid na nakatanggap ng ulat ang PDEA mula sa isang tipster na may nakatakdang kukuha ng kontrabando sa Dangwa bus terminal. Subalit makalipas ang ilang oras na paghihintay ng mga tauhan ng PDEA ay walang lumutang na kukuha ng kahon kaya binuksan na lamang ito at nadiskubre ang nilalaman.

Show comments