Ex-Marine itinumba

MANILA, Philippines - Patay ang isang dating tauhan ng Philippine Marines matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Brgy. Buliran, Cabanatuan City kamakalawa.Idineklarang dead on arrival sa Premiere General Hospital sa Cabanatuan City ang biktimang kinilalang si Mario Orina, 38-anyos, may-asawa, dating tauhan ng Philippine Marines at residente ng Purok 3, Brgy. Buliran ng nasabing lungsod.Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 3, dakong alas-5:45 ng umaga habang nakatayo ang biktima sa harapan ng bahay ng kaniyang biyenang babae nang pagbabarilin ng salarin na siyang kumitil sa buhay nito.Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang cartridge at mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol . Patuloy naman ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.

Show comments