Minero kinatay ng binatilyo

CAMARINES NORTE, Philippines — Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 33-anyos na minero makaraang mapikon sa biruan ang isang 17-anyos na binatilyo sa bisinidad ng Purok 1, Brgy Tugos sa bayan ng Paracale, Camarines Norte, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Jesus Manuel Jr. habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Berto. Sa police report, lumilitaw na magkasamang nag-inuman ng alak ang dalawa nang magkapikunan sa biruan na nauwi sa pamamaslang.

Show comments