Mag-ama nilikida

QUEZON, Philippines – Napaslang ang mag-ama matapos pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan kung saan sugatang nadamay ang isang 6-anyos na babae sa naganap na panibagong karahasan sa Purok Ilang-Ilang, Barangay Silangang Mayo sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Norberto Orogo Sr., 60; at Norberto Jr., 29 habang ginagamot naman sa Quezon Medical Center ang apong si Princess Orogo. Sa inisyal na ulat ni SPO4 Renato Pelobello, magkakasamang nakaupo sa sala ng kanilang bahay ang mga biktima nang ratratin. Sa pag-aakalang napatay na ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang gunmen.

Show comments