Ikatlong trader kinidnap sa Cotabato City

COTABATO CITY , Philippines   – Isa na namang negosyante ang kinidnap ng mga armadong kalakakihan kamaka­lawa ng gabi sa bahagi ng Gov. Gutierrez Avenue sa Cotabato City. Kinilala ang dinukot na trader na si Adin Yu, may-ari ng hardware store, restaurant at bakery. Base sa police report, si Yu ay pasakay na sana sa kanyang kotse papauwi nang harangin at kidnapin bandang alas-9 ng gabi may 50 metro lamang ang layo mula sa compound ng ARMM.

Base sa tala ng pu­lisya, si Yu ay ikatlong ne­gosyanteng dinukot sa Cotabato City sa nakalipas na anim na buwan kung saan naunang dinukot sina Conchita Tan noong Oktubre at Nelson Tay noong Agosto 2010.

Samantala, unti-unting nawawalan ng tiwala sa hanay ng pulisya at militar ang mga negosyante sa Cotabato City sa paniniwalang matitigil na ang pagdukot sa kanilang mga kasamahan kapag dumating na ang mga sundalo ng Marine Battalion Landing Team 7 para tumulong sa PNP na bantayan ang seguridad ng mga residente.

Show comments