Negosyante itinumba

CAVITE, Philippines – Napaslang ang isang 70-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Habay 2 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.Idineklarang patay sa Crisostomo Hospital si Cecilio Cuyson ng Sagana Remville sa nabanggit na barangay. Base sa police report, lulan ng motorsiklo ang biktima pauwi nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.

Show comments