Kabesa, kagawad dedo sa duelo

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding awayan sa politika ang isa sa motibo kaya nagbarilan ang barangay chairman at konsehal kung saan kapwa nasawi kamakalawa sa bisinidad ng Barangay Pandanan sa bayan ng Lawaan, Antique. Kinilala ng pulisya ang nagduelo na sina Chairman Eduardo Sansaet at Kagawad Dionesio Agapito. Base sa police report, nagkasalubong ang dalawang opisyal ng barangay kung saan humantong sa matin­ding komprontasyon na nauwi sa barilan. Napuruhan sa kaliwang bahagi ng mukha at kamay si Sansaet habang sa kaliwang tagiliran naman si Agapito. May teorya ang pulisya na umabot na sa sukdulan ang alitan ng dalawa kaya kapwa sinalubong ni kamatayan.

Show comments