CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang mag-asawang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang mga magnanakaw sa Brgy. Tarosanan, Camaligan, Camarines Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Henry Sales, 41 at misis nitong si Carmen Sales, 31 anyos; pawang nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol. Bandang alas-4:30 ng hapn ng puwersahang pasukin ng mga kawatan ang tindahan ng mga biktima saka pinagbabaril ang mga ito upang hindi makapalag saka kinulimbat ang hindi pa madeterminang halaga ng kinita ng tindahan. Lumilitaw sa imbestigasyon, bago pinagnakawan ang mag-asawa ay nag-withdraw rin ang mga ito ng malaking halaga ng pera sa bangko na hinihinalang natunugan ng mga suspek.