Pulis-intel itinumba

PANGASINAN, Philippines — Binaril at napatay ang isang 35-anyos na pulis habang nagmo-monitor ng mga kriminal sa Barangay Dilan Paurido sa Urdaneta City, Pangsinan noong Lunes. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan at idineklarang patay sa Sacred Heart Hospital si PO2 John Arvin Jacob, naka-assign sa intelligence division ng Urdaneta City PNP. Kaagad naman tumakas ang motorcycle-riding gunmen matapos mapatay ang biktima.

Show comments