P10-M ari-arian naabo

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Aabot sa P10 milyong halaga ng ari-arian makaraang lamunin ng apoy ang mala­king hardware at appliance depot ng department store noong Linggo ng madaling-araw sa Barangay Calamagui 2nd, sa bayan ng Ilagan, Isabela. Ayon sa ulat, naabo ang gusali ng Uy’s Hardware and General Merchandise na pag-aari ni ex-Mayor Mercedes Uy at ang Arora General Merchandise na pag-aari naman ni Jimmy Arora. Nagsimula ang sunog bandang alas-2 ng madaling-araw at naapula naman dakong alas-6:30 ng umaga. Wala namang nasugatan sa sunog kung saan patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments