9-anyos nene ni-rape slay

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 9-anyos na batang babae  makaraang gahasain ay pinaslang pa sa loob ng abandonadong bahay sa Barangay Bulalo sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.

Duguang narekober sa loob ng palikuran ang katawan ni Rowela Requilias ng Salimbao, Sultan Kudarat.

Arestado naman ang itinuturong suspek na si Ronilo Flores, 19, huling namataang kasama ng bata bago ito matagpuang patay.

Lumilitaw na noong  Pas­ko ng gabi ay namataan  ng ilan nilang kapitbahay ang suspek na akay-akay ang bata.

Nabatid na nabigong makauwi ang biktima kaya hinanap ng kaniyang mga magulang.

Kinabukasan pa natagpuan ang bangkay ng bata na nagkapunit-punit ang damit at halos duguan ang buong katawan.

Isinailalim naman sa awtopsiya sa Regional Crime Laboratory ng PNP ang  bangkay ng biktima habang isinailalim na imbestigas­yon ang suspek.

Show comments