2 Malaysian nailigtas sa kidnaper

MANILA, Philippines – Matapos ang sampung buwang pagkakabihag, nasagip ng mga operatiba ng PNP-Special Action Force ang dalawang Malaysian sa isinagawang operasyon noong Martes ng umaga sa bayan ng Bongao,Tawi-Tawi.

Sa inisyal na press briefing sa Camp Crame, kinumpirma ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo ang pagkakaligtas kina Chen Yui Chung, 48; at Lai Wong Chun, 46.

Ang dalawa ay sumailalim sa medical checkup sa PNP Health Service sa Camp Crame.

Nabatid na napilitan ang mga kidnaper na abandonahin ang mga bihag sa coastal area ng Bongao sa takot na maabutan ng mga awtoridad.

Napag-alamang kinidnap ang dalawa noong Pebrero 8, 2010 ng mga bandidong Malaysian sa Sivangkat Island, Semporna, Sabah, Malaysia kung saan may alyansa sa grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf.

“While in captivity, the victims were reportedly moved by their captors to different locations in Malaysia, Tawi-Tawi, Sulu, Ba­silan and Zamboanga Peninsula,” pahayag pa ng PNP Chief.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis sa grupo ng mga kidnaper at nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Malaysian authorities.

Show comments