SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines – Kapwa nasawi ang isang second year college student at angkas nitong kaibigang lalaki makaraang bumangga ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong bus sa Maharlika Highway, Barangay Kita-Kita, sa San Jose City, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Ayon kay P/Supt. Sidney Villaflor, hepe ng San Jose City Police station, nakilala ang mga nasawi na sina Jonnel Magpale y Tapic, 18, ng Sitio Bliss, Brgy. Malasin; at Rommel Grospe y Reyes, 11. Lumilitaw na patungo sa south direction, ang dalawa kung saan nag-overtake sa unahang sasakyan at nakasalubong ang Dalin Liner Bus (BVA-658) ni William Apelo, 58, ng Santiago City, Isabela. Huminto naman ang drayber ng bus at humingi ng tulong upang isugod sa ospital ang dalawa kung saan idineklarang patay.