Estudyante utas sa kidlat

FORT DEL PILAR, Baguio City, Philippines – Dalawang estud­yante ng University of Baguio na bumisita sa Philippine Military Academy (PMA) ang tinamaan ng kidlat kung saan isa ang nasawi noong Martes ng hapon. Hindi na naisalba ng mga doctor sa PMA si Michelle Quicio na ngayon ay nakahimlay sa Baguio Memorial Chapel habang sugatan at nasa stable condition si Rachelle Ventura na naisugod sa Fort del Pilar Station Hospital. Napag-alamang bumi­sita ang magkaibigan sa Relics Point sa compound ng Philippine Military Academy kung saan nagkuhanan ng litrato. Nasa gitna na ng kasiyahan ang magkabigan nang biglang tamaan ng matalim na kidlat bandang alas-3:30 ng hapon. Ayon sa tagapagsalita ng PMA na si Capt. Lynnete Flores, ipinagbigay-alam na sa pamilya ng magkaibigan sa Isabela ang naganap na insidente.

Show comments