Nursing board passer kinidnap

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang 21-anyos na Nursing board passer habang binaril at napatay naman ang lolo nito na tinangkang pigilan ang mga kidnaper sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Sa phone interview, kinilala ni P/Supt. Edwin de Ocampo ang kinidnap na si Marycris Sogradiel Cuartocruz. Napaslang naman ang lolo na si Jesus Sogradiel, 72, matapos na pagbabarilin nang habulin ang apo at pigilan ang mga kidnaper. Base sa imbestigasyon, naganap ang pagdukot sa bahay ng biktima sa Red Butterfly sa KM 26, Brgy. Manicahan bandang alas-7:30 ng gabi. Isinakay sa bangkang-de-motor ang biktima sa dalampasigan ng Brgy. Manicahan saka tumahak sa hindi nabatid na direksyon.

Show comments