Kinidnap na principal , laya na

MANILA, Philippines - Pinalaya na rin ng mga bandidong Abu Sayyaf ang dinukot na principal kamakalawa ng gabi sa Barangay Cabangalan sa bayan ng Ungkaya Pukan, Basilan. Bandang alas-8 ng gabi nang pakawalan si Cecilia Sosas ng Baas Elementary Scahool. Pinangunahan ni Vice Governor Alrashid Sakkalahul ang negosasyon sa mga kidnaper na pinamumunuan ni Mussana Jamiri Usman para sa pagpapalaya kay Sosas. Sinabi naman ni P/Chief Supt. Bienvenido Latag, ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na walang kapalit na ransom ang pagpalaya kay Sosas. Sa kabila nito ay may mga ulat na nagbayad ang pamilya ni Sosas ng P.2 milyon bilang board and lodging sa mga kidnaper.

Show comments