Totoy nangisay sa kuryente

MANILA, Philippines – Malungkot na Pasko ang sumalubong sa pamilya ng isang 4-anyos na batang lalaki matapos itong makuryente habang naglalaro sa rooftop ng kanilang eskuwelahan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Paracelis, Benguet kamakalawa. Idineklaranga patay sa Paracelis District Hospital si Bryan Layasna Gawan, estudyante sa Para­celis Central School. Nagpahayag naman ang pangasiwaan ng nabanggit na paaralan na wala silang pananagutan sa insidente dahil walang pasok nang makuryente ang bata na pumasok lamang sa compound para maglaro. Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na ang biktima kasama ang kanyang pinsang si Marinel Gawan ay nagtungo sa nasabing eskuwelahan para maglaro sa rooftop kung saan aksidente itong nawalan ng balanse at bumagsak sa mainline ng electric wire.

Show comments