2 holdaper ng trader tiklo

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng magkaibi­gang lalaki matapos maaresto ng pulisya sa kanilang panghoholdap sa negosyanteng babae sa loob ng pamilihang bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek na sina Jerry Ramos, 57; at Jesus Cartagena 35, kapwa nakatira sa Barangay San Juan, Balagtas. Base sa police report, nasakote ang mga suspek matapos humingi ng saklolo si Flasviana Lingao ng Brgy. Wawa laban sa dalawang suspek.

Show comments