Mass oath-taking

IBA, Zambales, Philippines — Na­ging matagumpay ang gina­nap na mass oath-taking sa unang araw para sa bagong halal at re-elected ba­rangay official sa bayang ito na ginanap noong Martes. Naging makasaysayan ang na­turang  programa matapos magkita at magkausap sa unang pagkakataon sa naka­lipas na limang  buwang panunungkulan nina Iba, Zambales Mayor Atty. Ad Hebert P. Deloso at Zambales Go­vernor Hermogenes E. Ebdane Jr. na kapwa gumanap bilang taga-panumpa sa may 14 na Barangay Captain at 98 kagawad,14 na Barangay SK Chairman at 92 SK Kagawad.

Ayon kay Deloso, natutuwa siya sa mga tungkulin ng bawat opisyal na sana ay ma­ging makabuluhan ito hindi lamang sa salita kundi sa gawa.Kailangang  ding kalimutan umano  ang tampuhan sa la­rangan ng pulitika.

Show comments