Konsehal dinedo sa tong-its

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang konsehal ng barangay na tumatayong chairman ng Agrarian Reform Council ang pinagtulungang saksakin ng mag-utol na lalaki habang nagto-tong-its kamakalawa ng gabi sa Sitio Calpi, Barangay Miaga sa bayan ng Uson, Masbate.

Labing-tatlong saksak ang tumapos sa buhay ni Rogelio Monterola, 47, habang sumuko naman ang isa sa suspek na si Bienvenido Yanson Jr. 27; at tugis naman ng pulisya si Recto Yanson.

Lumilitaw na nakipagtalo ang biktima sa mga suspek dahil sa pustahan nang pagtulungang saksakin ng mag-utol.

Show comments