6 utas, 3 kritikal sa killer truck

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Anim-katao ang kumpirmadong nasawi habang tatlong iba pa ang nakikipaglaban kay kamatayan makaraang araruhin ng killer truck ang dalawang traysikel sa Santiago City, Isabela kahapon ng madaling-araw.

Apat sa anim na namatay ay sina Romeo Garunay ng Santiago City;  Vilmex Tagalan, Randy Padilla na kapwa nakatira sa Diffun, Quirino; at ang pahi­ nante ng truck na si Ricardo Cadelena.

Kinilala naman ang tatlong iba pang pasahero na nasa kritikal na kondisyon na sina Monique Sebastian, Virgilio Mercado; at si Ofelia Garcia ng Cauayan City, Isabela.

Napag-alamang humiwalay ang mga sidecar ng dalawang traysikel kung saan apat sa mga pasahero ng traysikel na may plakang BU 7174 ay dead-on-the-spot habang isa namang pasahero sa ikalawang trike ay nasawi rin.

Naganap ang trahedya bandang alauna y medya ng madaling-araw matapos mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na si Junjie Barbor sa panulukan ng national higway ng Barangay Malvar at Barangay Villasis.

Ayon pa sa police report, patungong Cagayan ang truck na may lulang mga binhi ng pananim.

 “The truck driver, Junjie Babor, who also sustained minor injuries, is now under our custody for investigation,” pahayag ni P/Senior Supt Severino Abad, Santiago City police director.

Show comments