Library sa Maguindanao sinunog

MANILA, Philippines - Aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang sunugin ng mga armadong lalaki ang silid-aklatan ng Pandan National High School sa Barangay Pandan sa bayan ng South Upi, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pamunuan ng Army’s 6th Infantry Division, bandang alas-10 ng gabi nang salakayin at sunugin ang naturang library kung saan maging ang mga importanteng dokumento ng nabanggit na eskuwelahana ay na­abo.

Show comments