SARIAYA, Quezon, Philippines — Isang empleyado ng Witness Protection Program ng Department of Justice (DOJ) ang inaresto ng pulisya matapos magpaputok ng baril sa sobrang kalasingan kamakalawa sa isang videoke bar sa Barangay Pili ng bayang ito.
Kinilala ni Supt. Francisco Ebreo, chief of police ng bayang ito, ang naaresto na si Walter Bagting, 29, may-asawa at residente ng Villa Emilia.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-11:50 kamakalawa ng gabi ng ireklamo si Ebreo sa pagpapaputok ng baril sa labas ng Kubo-Kubo videoke bar. Kaagad nagresponde ang mga pulis at dinis-armahan ang nasabing suspek. Lisensiyado ang baril ng suspek subalit kakasuhan pa din ito ng pulisya sa indiscriminate firing.