MANILA, Philippines - Pinagkalooban ni Pangulong Benigno Aquino III ang Tampakan’s Sagittarius Mines Inc. (SMI) ng presidential mining industry environmental award (PMIEA) kamakailan.
Iginawad sa SMI ang nasabing award sa ginanap ika-57 annual national mine safety conference sa Baguio City. Si DENR Sec. Ramon Paje Jr. ang kumatawan kay Pangulong Aquino.
Ang SMI ang government contractor para sa Tampakan copper gold project.
Sinabi naman ni SMI general manager Mark Williams, sa pagtanggap nito ng prestigious presidential award na isusulong nito ang commitment ng kanilang kumpanya para sa pagbalanse ng kapaligiran, social at economic impact.
Ang PMIEA ang pinapangarap na award ng mga mining companies kung saan ay mahigpit ang pagpili ng mga gagawaran nito ng pagkilala. Sinisala ng PMIEA ang mga mining firm sa kanilang social development and management, information, education at communications gayundin ang safety at health program.
Sinabi naman ni Sec. Paje sa nasabing okasyon na suportado ng Pangulo ang responsableng pagmimina sa bansa.