P.750-M bonus nilimas

QUEZO, Philippines   — Aabot sa P.750 milyong bonus ng mga guro ang nilimas ng tatlong lakaki matapos holdapin ang disbursing officer sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ericson Velasquez, lulan ng traysikel ang disbursing officer na si Catalina Gabiola na may bitbit na malaking halaga patungong Sta. Catalina National High School nang harangin ng tatlo. Tinutukan ng baril si Gabiola saka kinuha ang bag na naglalaman ng malaking halaga na winidraw sa bangko. Bago tumakas ang mga suspek ay binaril sa kaliwang paa ang biktima. Gayon pa man, tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Vedasto Aguilar ng Barangay Masin Norte at Jayson Catapang.

Show comments