Guro dedo sa ambus

MANILA, Philippines - Napaslang ang guro ng National School of Arts and Trade sa ilalim ng Technological Education and Skills Development Authority makaraang ratratin sa bisinidad ng Barangay Lagao sa Gene­ral Santos City kahapon ng umaga.

Tinamaan ng bala ng baril sa likuran na tumagos sa dibdib ni Marlon Oraes, 40, ng Doña Soledad Subd. Brgy. Labangan. Lumilitaw na lulan ng motorsiklo ang biktima nang dikitan at pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo ng barilin. Kaagad na dinala sa Saint Elizabeth Hospital ang biktima subalit idineklarang patay.

Show comments