3 dedo sa NLEx mishap

BULACAN, Philippines   — Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang nasu­gatan makaraang maipit sa bumaliktad na sasakyan sa North Luzon Expressway sa Barangay Tabe, Guiguinto, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Namatay sina Jomar Del Mario, 27; Ronald Goday, 25; at si John Eric Celestino, 22, habang sugatan at naisugod sa Rogaciano Mercado Hospital sina Joel Laguna, 27; Robert Gonzales, 20; Jean Erica Rivera, 17; at si Louie Meneses, 2, pawang nakatira sa Grand Royal Subd. Brgy.Bulihan, sa Malolos City, Bulacan. Sa imbestigasyon ni PO3 Jorge Lopez, sumabog ang unahang gulong at ilang ulit na bumaliktad ang Mitsubishi Adventure (XKL-546) ni Joel Laguna kung saan tatlo ang namatay.

Show comments