Negosyante pinabulagta

NUEVA ECIJA, Philippines – Napaslang ang isang 42-anyos na negosyanteng babae makaraang pagbabarilin ng dalawang mas­karadong lalaki sa Sitio San Pedro, Brgy. Tondod sa San Jose City, Nueva Ecija, kama­kalawa. Kinilala ni P/Supt. Sidney Villaflor, hepe ng San Jose City PNP, ang napatay na si Raquel Sinfuego na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril. Lumilitaw sa imbestigasyon na nakatulog ang biktima sa sala ng kanilang tahanan nang pasukin at ratratin kung saan naalimpungatan naman ang dalawang anak ng biktima kaya nagising sa sunud-sunod na putok ng baril. Nang mag-usisa ang dalawa ay bumungad sa kanila ang dugu­ang ina na nakabulagta.

Show comments