3 Salisi Gang arestado

BATAAN, Philippines – Tatlong miyembro ng Salisi Gang ang na­dakma ng pulisya sa bahagi ng Barangay Ipag, Mariveles, Bataan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Romell  Velasco, hepe ng Mariveles PNP ang mga suspek na sina Ogie Bernardo, 26, ng Barangay Poblacion; Rosie Bernardo ng Guiguinto, Bulacan; at si Carlos Salazar. Bago masakote ang mga suspek ay pinasok ng tatlo ang PJ Grocery sa Brgy. San Carlos na pag-aari ni Roland de Leon. Dito namataan ng tindera ang isa sa mga suspek na itinatago sa brief ang limang pirasong toothpaste. Kaagad naman ipinaaresto ang mga suspek habang lulan ng van na may plakang BDS-136 matapos sundan ng pulisya. Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang baril at iba’t ibang uri ng grocery item na nagkakahalaga ng P15,000.

Show comments