Bomber gutay sa terminal blast

MANILA, Philippines - Patay ang itinuturong bomber na pinaniniwalaang nagtanim ng bomba sa bus terminal habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos na sumabog ng wala sa oras ang pamasabog sa bayan ng Carmen, North Cotabato, kahapon ng umaga.

Kinilala ni regional Army spokeman Capt Razaleigh Bansawan, ang nasawi na si Nandy Puntongan ng tribong Manobo. Ginagamot naman sa provincial hospital ang sugatang sina Artemio Rivera at June Sabando na tinamaan ng shrapnel ng bomba. Ayon sa commander ng Army’s 602nd Brigade na si Col. Cesar Dionisio Sedillo Jr., posibleng bomber si Pontangan dahil nawarak ang tiyan matapos sumabog ang bomba sa Carmen Bus Terminal.

Show comments