Suspek sa tinedyer slay tiklo

LUCENA CITY, Philippines — Nagwakas ang pagtatago sa batas ng isang obrero na sinasabing sangkot sa pamamaslang sa isang tinedyer noong Abril 2006 makaraang maaresto ng pulisya sa Purok Kanluran, Barangay Talao-Talao sa Lucena City, Quezon, kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Alex Orfanel, si Clodualdo Carcilas, 29. Sa record ng pulisya, si Carcillas ay isa sa sampu na pumaslang kay Mark Aldricbutial. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Virgilio Alfajora ng Regional Trial Court Branch 60, inaresto si Carcillas nina P/Senior Insp. Fernando Reyes 111 at SPO4 Guillermo Formaran. Kasama ni Carcillas sa kulungan ang dalawa pang suspek na sina Darwin Perez at Alfonzo Lozano na naaresto rin kamakailan.

Show comments