BAGUIO CITY, Philippines – Naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang isang pugante na dating executive na nahatulan ng kasong paglabag sa batas ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa operasyon sa lungsod na ito kamakalawa.
Kinilala ang nasakoteng suspect na si Gamaliel Laeda, dating Assistant Vice President for Loans
ng Quezon City based-Homeowners Savings and Loans Bank.
Ang suspek ay nasakote sa kaniyang pinagtataguan sa Brgy. New Lucban ng lungsod na ito ng mga ahente ng NBI-Central Office Anti-Fraud Division at ng NBI-Cordillera.
Sinabi ni Atty. Minnie Retanal, agent-on-case ng NBI’s Anti Fraud Division nagawang maipuslit ni Laeda ang P70M mula sa mga kliyente ng bangko at mula noo’y nagtago na ito.
Nabatid pa na si Laeda ay nahatulang guilty sa paglabag sa probisyon ng DOSRI (Directors, Officers, Stockholders and Related Interests) o ang Section 83 of the General Banking Law (RA 357) ng Relations 36 ng Central Bank Act (RA 7625)na inisyu ng Branch 222 ng Regional Trial Court ng Quezon City noong Hulyo 21, 2007.