135 sako ng pampasabog nasabat

MANILA, Philippines - Umaabot sa 135 sako ng pampasabog ang naharang ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)sa Brgy. Basiao, Padre Burgos, Quezon kamakalawa ng madaling-araw.

Sinabi ni Col. Generoso Bolina, Spokesman ng AFP-Southern Luzon Command , ang nasabing mga kemikal na nakumpiska ng 201th Brigade at ng lokal na pulisya bagaman maaring gamitin sa illegal na pangingisda ay pangunahin rin itong sangkap sa paggagawa ng pampasabog.

Kinilala nito ang mga nasakoteng rebelde na sina Michael Villapena at Pedro Samson.

Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagbibiyahe ng nasabing mga eksplosibo.

Ayon sa explosive expert ng SOLCOM ang nasabing mga sangkap ay maaring makapagprodyus ng 3,240 kilo ng Improvised Explosive Device o katumbas na 1,700 kilo ng TNT na ma­kakayang makapagpaguho ng tatlong gusali.

Isinasailalim na sa tactical interrogation ang da­lawang nasakoteng rebelde.

Show comments