2 todas sa pamamaril

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na napaslang sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa. Si Evelina Estoque, 48, ng Sitio Pustema ay binaril at napatay ng kanyang kapitbahay na si Joel Maceda sa bahagi ng Barangay Sahod Ulan, Tanza. Samantala, si Alfred Lebajan ng Brgy. San Juan 2, General Trias, ay binaril at na­patay ang isa sa dalawang di-kilalang lalaki habang nakasakay sa pampasaherong bus (DXN 623) sa kahabaan ang Soriano Highway sa Brgy. Amaya, Tanza. Tumakas naman ang gunman matapos sumakay sa naghihintay na motorsiklo sa nabanggit na barangay.

Show comments