Bangka lumubog: 2 babae lunod

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Dalawang babae ang kumpirmadong nasawi habang apat iba pa ang na­wawala makaraang lumubog ang pampasaherong bangka sa karagatan ng Barangay Maura, Aparri, Cagayan noong Martes. Kinilala ni P/Senior Supt. Mao Aplasca, Cagan police director, ang isa sa nalunod na si Myrna Selina ha­bang pinaghahanap naman ang apat pang nawawala na sina Daniel Peralta, Amboy Osorio, Agosto Calipini at isang ba­bae. Samantala, nailigtas naman ng rescue team sina Jomar Bumagat, Roman Baloloy, Jessie Besario, Antonio Andave, Freddie Pedronan, Richard Bacunana, Mariano Ba­cunana at si Randy Capalaran. Napag-alamang naglalayag sa karagatan ang M/V 8 Brothers na may lulang 12-pasahero nang balyahin ng malalakas na alon. Bunsod nito ay nagkaroon ng pinsala ang bangka kung saan nagdesisyon ang bangkero na bumalik sa pampang pero tuluyang lumubog.

Show comments