Bagong liderato sa San Isidro

SAN SIMON, Pampanga, Philippines – Makabayang lider ng magsasaka ang nagwagi bilang bagong barangay chairman sa Barangay San Isidro sa bayan ng San Simon, Pampanga. Nanalo bilang bagong San Isidro Barangay Chairman si Randy Flores sa nakaraang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa nabanggit ba bayan. Nagwagi din bilang mga kagawad sa Barangay San Isidro sina Alberto Quito, Hector Bonus, Manny Santos, Noy Parungan, Ben Serrano, Normita Rocel at si Narding Tongol. Siniguro naman ni Chairman Flores na magsisilbi ang bagong liderato ng barangay council ng San Isidro sa ilalim ng kanyang pamumuno para sa mga pangangailangan ng mamamayan at para sa kabutihan ng barangay.

Show comments