MANILA, Philippines - Napaslang ang kandidatong barangay konsehal matapos mabaril ng kaniyang kalaban sa pulitika sa naganap na karahasan sa kasagsagan ng barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Brgy. Calagusan sa bayan ng Lantawan, Basilan kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib si Aisa Ganarol habang ‘di-naman nakilala ang gunman. Lumilitaw na nagkainitan ang grupo ng dalawang magkalabang partido ng barangay chairman na humantong sa shootout. Humupa lamang ang tensiyon matapos na magresponde ang security forces ng lokal na pamahalaan.