Biyudong magsasaka pinugutan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 60-anyos na biyu­dong magsasaka maka­raang pugutan kamaka­lawa sa Sitio Anapog, Barangay Palhon sa bayan ng Pio V. Corpuz, Masbate. Bandang alas-6 ng umaga kahapon nang matagpuan ang katawan ni Jimmy Sangutan sa may layong 200 metro mula sa kan­yang bahay habang ang ulo nito ay nakasilid sa plastic bag.

Sumasailalim naman sa imbestigasyon ang li­mang kapitbahay ng bik­tima na sina Simo Pugay, Randy Pugay, Allan Pu­gay, Lu­ciano Pugay at si Radem Pugay. Pinanini­walaang agawan sa lu­pain kung saan naka­tayo ang bahay ng biktima ang isa sa motibo ng kri­men.

Show comments