2 nag-suicide dahil sa kahirapan

QUEZON, Philippines  — Halos isang oras lamang ang pagitan nang magpa­ka­matay ang da­lawang lalaki na ang idi­nadahilan ay ang kahira­pan ng buhay sa Barangay Villa­bota sa bayan ng Gu­maca, Que­zon kama­kalawa.

Si Allan Litana, 30, ay na­­tagpuan ng kanyang misis na si Elena na na­ka­bitin sa loob ng kanilang ba­hay ilang minuto mata­pos na ito ay uminom ng alak.

Ayon kay SPO2 Eman Orivida, huling namataang buhay ang biktima na duma­daing sa kanyang misis da­hil sa kahirapan ng buhay.

Gayon pa man, mata­pos maglaba ni Elena ay nabu­ngaran niya ang mister na nakabitin.

Samantala, natagpuan naman ng kanyang ama si Erwin Guevarrero, 27, na nakabitin sa loob ng kan­yang kuwarto. Nakasaad sa ini­wang suicide note ni Erwin na nag­de­sisyon si­yang wa­ka­san ang buhay kaysa sa harapin ang kahi­rapan sa buhay ng kani­lang pa­ milya.

Show comments