Namahagi ng relief goods, inambus

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines  — Isang kawani ng provincial government ang iniulat na napaslang habang dalawang iba pa kabilang ang hipag ng bise gobernador ang nasa kri­tikal na kalagayan maka­raang tambangan ng mga armadong grupo ka­maka­lawa ng gabi sa Ba­rangay Alabio sa bayan Tuao, Cagayan.

Kinilala ng pulisya ang na­patay na si Sofronio Mamba habang ginagamot naman sa Saint Paul Hospital sa Tuguegarao City sina Michael Pagaduan at Lenie Fausto, 42, executive assistant at hipag ni Ca­gayan Vice Gov. Leo­nides Fausto.

Lumilitaw na patungo na sana ang mga biktima sa kampo ng kaalyadong kan­didato mula sa pa­mama­hagi ng mga relief goods na mga sinalanta ng bagyong Juan nang ratratin.

 “We are now inves­ tiga­ting the incident. Our operatives are already in the area to go after the perpetrators,” pahayag ni P/Senior Supt. Mao Aplas­ca, Caga­yan police director.

Show comments