CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines —Tinaga ng isang construction worker ang kalaguyo ng kanyang misis matapos nitong mahuli sa akto na nagtatalik ang dalawa sa kanilang tahanan kamakalawa sa San Miguel, Catanduanes.
Agad namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Salvador dela Cruz, 41 anyos, laborer ng Sun west Construction Corp. at nakatira sa Barangay Sulong, San Miguel, Catanduanes.
Ang sugatang biktima na amo naman ng suspek ay nakilalang si Anthony Tipo, 35, foreman ng Sunwest Construction Corp. at nakatira sa Gigmoto, Catanduanes.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:00 kamakalawa ng hapon ng biglang umuwi ang suspek sa kanilang bahay at makarinig siya ng ingay mula sa loob ng kanilang kuwarto.
Nang sumilip ang suspek ay nakita sa akto na nagtatalik ang kanyang misis at si Tipo.
Nagdilim ang paningin ng suspek kaya agad na kinuha ang itak at tinaga ang suspek habang mabi lis namang nakapagtago sa bahay ng kanyang magulang ang misis ni dela Cruz. Isinugod naman sa Bato Maternity Hospital ang sugatang biktima.