Retiradong sundalo inambush

CABANATUAN CITY, Philippines — Isang retiradong sundalo ang tinadtad ng bala ng hindi nakilalang mga arma­dong lalaki kamakalawa sa Barangay Aduas Centro ng lungsod na ito.

Kinilala ni Supt. Eliseo Cruz, hepe ng Cabanatuan City Police, ang biktima na si retired M/Sgt. Pablo Ramos, 58, ng Barangay Sto. Tomas, Aliaga, Nueva Ecija. Nasawi agad ang biktima sa ilang tama ng bala sa kanyang katawan.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-12 ng tang­hali kamakalawa habang pauwi ang biktima sa ba­yan ng Aliaga nang pag­ba­barilin ito ng 2 suspek na nakasakay sa motorsiklo na walang plaka.

Matapos masigurong patay na ang biktima ay kinuha pa ng mga suspek ang isang itim na bag na dala nito at mabilis na tuma­kas. Narekober sa crime scene ang 5 basyo ng kalibre .45 baril.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang posib­leng motibo ng pamamas­lang sa retiradong sun­dalo.

Show comments