LA TRINIDAD, Benguet, Philippines — Ipinatigil ng provincial government ang lahat ng small-scale mining sa mga abandonadong mine tunnels bilang pag-iingat dahil sa idinulot ni bagyong Juan.
Sinabi ni Benguet Gov. Nestor Fongwan, sa sandaling maging normal na ang sitwasyon at nasisigu rong ligtas na ang gagawing pagmimina ay papayagan na muli ng gobyerno ang small-scale mining.
Ayon kay Gov. Fongwan, kahit bago manalasa ang bagyong Juan ay isang small-scale miner ang sinasabing na-trap sa mine tunnel sa Antamok at hindi na ito nailigtas dahil sa sobrang nagyeyelong-lamig ng tubig sa loob ng tunnel.
“Considering the forecasted weather disturbances brought by ty phoon Juan, all small-scale mining operations in the province of Benguet shall be suspended,” wika pa ng gobernador.
Tinataya ni Fongwan na nasa 8,000 ang mga small-scale miners sa kanilang lalawigan.