Barangay chairman itinumba

MANILA, Philippines –  Labing-isang araw bago ang Barangay at Sangguniang Ka­bataan elections, napaslang ang isa na namang ba­rangay chairman makaraang ratratin sa Barangay Espe­ranza sa bayan ng Carmen, Surigao del Sur noong Biyernes ng hapon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, tinambangan ng mga armadong grupo si Chairman Eligorio Cuartero, 49, sa bisinidad ng Sua Cool Spring Resort sa na­banggit na barangay. Nabatid na palabas na sa resort ang biktima lulan ng Mazda pickup (TKC-325 ) nang pag­babarilin. Pinaniniwalaang may kinalaman sa Barangay at SK elections sa Oktubre 25 ang krimen.

Show comments