MANILA, Philippines – Dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army ang mag-utol na sinasabing campaigner ng kandidatong barangay chairman na kalaban ng mga rebelde sa Sitio Abungkod, Brgy. Kinam sa bayan ng Malapatan, Sarangani kamakalawa. Inilatag na ang search and rescue team para hanapin ang mag-utol na sina Tony at Diel Maguan na tinangay ng grupo ni alyas Ka Yoyong ng NPA Guerilla Front 71. Base sa imbestigasyon, ang mag-utol ay supporter ng kandidatong brgy. chairman na mahigpit namang kalaban sa pulitika ng manok ng mga rebelde. May teorya ang pulisya na nairita ang mga rebelde dahil lumalakas ang kalaban na kanilang pinapaborang kandidato dahil sa pangangampanya ng magkapatid.