MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi habang 3 iba pa ang nasugatan matapos pasabugan ng granada ang kanilang tahanan sa Barangay Tinungkaan, North Upi, Maguindanao kamakalawa ng gabi.
Ang mga nasawi ay sina Angeline Timpadan at ang 2 anak nitong sina Laarni, 6-anyos at Juliane, 4-taong gulang habang nasagutan naman ang ibang anak ni Timpadan na sina Angel, 8; Icel, 3 at Alanis, 1 taong gulang na dinala sa Datu Blah Sinsuat hospital.
Napag-alaman na dakong alas-11 ng gabi ng hagisan ng granada ang bahay ng mga biktima habang natutulog ang mga ito ng hindi nakilalang mga suspek.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pangyayari.