NPA nangangampanya sa SK elections

MANILA, Philippines - Aktibong nangangampanya sa mga pinapaborang kandidato ang mga rebeldeng New People’s Army sa Sorsogon kaugnay ng barangay at SK elections sa Oktubre 25. Ito ang ibinunyag kahapon ni Army’s 9th Infantry Division spokesman Major Harold Cabunoc. Base sa report nagbabahay-bahay ang mga armadong rebelde at nanakot sa mga botante na bubuweltahan kapag hindi nanalo ang kanilang mga kandidatong barangay chairman. Kaagad naman ikinalat ang 30-sundalo ng 49th Infantry Battalion para matyagan ang mga rebelde na pinamumunuan ni Andres Despi alyas Ka Tisoy na umiikot sa Barangay Jamislagan, Sorsogon City. Nagpapatuloy naman ang pagbabantay ng AFP at PNP personnel sa mga lugar na hina-harass ng mga rebelde.

Show comments